bababa ba?

December 21st, 2007 by jesteric-redd

L:Kailangan ko na ba bumaba?

 

;p: Hindi ba pag pinababa, aalis na yung fx? Siguro pinababa
nga, pero di naman aalis yung fx.

 

L: Pwede ba yun? Pag may pinababa, umaalis na yung fx
para maghanap ng bagong pasahero.

 

;p: Pwede ring hindi na magsakay.

 

L:Bakit mo ako pinababa?

 

;p: Nabangga yung driver nung isang araw.

 

L: Edi duguan din ako? Nasa tabi ko lang lagi yung
driver e. hindi yata ako dapat bumaba, baka kailangan ko muna pagalingin yung
driver.

 

;p: Hindi. Nabunggo yung driver mag-isa. Siya lang.

 

L: Kelan yun? Hindi ko iniwan yung driver mula pa nung
umandar ang gulong ng byahe.

 

;p: …

 

L: Sanay naman ako maglakad. Hindi na rin naman ako
pilay. Salamat sa kaunting panahon na pagsakay. Naenjoy ko yung byahe.
Makakalakad na ako. Hindi na durog buto ko sa paa. Iba na ang durog sakin
ngayon.

Bookmark and Share

suicide

December 6th, 2007 by jesteric-redd

Sa araw-araw na ginawa ng Dyos na binibisita ko ang mga
litrato mo, araw-araw ko ring pinapatay ang sarili ko.

 

Araw araw kong pinapasadahan ng patalim ang pulso ko ng mga alaala nating nakatahi na sa aking
utak.

 

Araw-araw ko ring sinusubukang gupitin
ang mga hibla ng sinulid na nagtatahi sa aking kokote at sa iyo.

 

Pero sa huli, naiiwan lamang sugat-sugat ang aking ulo sa
pagdaplis ng gunting.

 

Araw-araw kong binibigti ang sarili ko sa mga
kulbit ng litratong makakapagpaalala sa’yo.

 

Nagpapatiwakal ako araw-araw.

 

Ito ang pinili kong landas.

 

Ang mahalin ka pa rin sa araw-araw na ginawa ng Dyos at kitilin ang buhay ko sa bawat segundong pagkabigo.

 

Araw-araw
akong mamamatay, at gabi-gabing bubuhayin ng mga panaginip kong ikaw ang kasama. At sa bawat
pag gising ko mula sa imahinasyong kasama ka, ay muli akong mamamatay sa realidad na hindi
na kita makakapiling pang muli.

 

Pero mabubuhay muli ako.

 

Mabubuhay ako para
mahalin kang muli. Mamamatay ako para
muling mabuhay at mahagkan ka sa aking mga panaginip.

 

Malunod man ako sa dugo bunsod ng pagkabigo, didilat at didilat pa
rin ang aking mga mata at lalangoy tungo sa mundo ng pagmamahal
sa’yo.

 

Ganito ako magmahal. Masokisto.

Bookmark and Share

luha sa likod ng FX

November 29th, 2007 by jesteric-redd

 

 

 

Lakas
ng ulan kagabi.
Wala pa naman akong dalang payong. Jacket lang. mejo
mahaba-haba pa ang nilalakad ko mula sa opisina hanggang sa sinasakyan
ko ng FX papunta sa bahay namin. Tumakbo ako ng konti. Pero hindi
ganung kabilis kasi masakit pa yung fracture sa paa ko.

 

Tagal
dumating ng FX
na hindi puno. O kaya FX na pa-Sucat, yun kasi ang
hinihintay ko para tuluy-tuloy ang biyahe at di ko na kailangan pa
bumaba. Dumating sa puntong nagmamalutong na ang pagmumura ko, wala pa
ding dumadating. Nagdasal na ako sa lahat ng santo pati kay saint
Nicholas since malapit na magpasko. Wala pa rin. Basam-basa na ako.
Hinihintay ko na lang tumunog ang hit song ng Aegis sa likod ko pero
wala pa rin dumadating na FX na hinahanap ko.

 

Papikit-pikit
ang mata ko sa kada silaw sa mga nagdadaanang mga sasakyan. Kukurap ako
at tatakpan ng konti ang mga mata ko, sabay sipat kung may FX ba na
parating. Bumuhos pa lalo ang ulan. Lalo kong kailangan ng FX.

 

At
bago ko pa man maituloy ang putangi… pumara na sa harap ko ang isang FX
na may karatulang “Sucat.” Hindi mismo sa harap ko tumigil ang sasakyan
kaya naman sandamakmak na lupon ng tao ang kinalaban ko para lamang
maging pasahero ng FX na yon. Nakipagtulakan ako, nakipagsingitan,
nakipagtalo sa ulan. At sa awa naman ng Dyos, ayun at nakasakay ako.
Hindi sa likod, hindi sa gitna. Sa tabi ako ng driver.

 

Ang
sarap umupo sa tabi ng driver. Kita mo ang lahat. Pakiramdam mo ikaw
ang isa sa mga nagdadala ng FX. Ikaw ang siyang dahilan ng biyahe.

 

Inabutan ko si manong ng 35 pesos. Sabi ko Sucat po. Kinuha ni manong ang bayad. At inihagis sa kung saan man sa harapan niya.

 

Masarap
maupo sa biyahe ng FX pag gabi. Kita mo ang patak ng ulan na
nag-uunahan sa bintana ng sasakyan mong lulan. Nakikita mo kung gaanong
butil ang iniiyak ng langit. Nakikita mo rin lahat mula sa binatana sa
harapan mo.

 

Sabi na nga ba, hulog ng langit ang FX nato. Siya na ang pinakahihintay kong biyahe. Salamat. Eto na talaga.

 

Maya’t
maya pa’y paunti na ng paunti ang nakasakay. Nasipat ko mula sa salamin
sa itaas ng driver kung ilan na lamang kaming nakasakay. Dalawa.
Hanggang sa maging isa. Ako na lang.

 

Natuwa ako. Ako na lang. ako na lang ang natitirang pasahero ng FX. Akin ang FX. Akin lang.

 

Lumingon
ang manong driver sa likod nya. Napansin niyang ako na lang pala ang
pasahero niya. Tumigil siya. Tinigil niya ang pagmamaneho at ang
sasakyan.

 

Sabi niya.

 

“paparada na ako. Trapik e. maulan pa. di na ako aabot ng…san ka ba? Ba’t di ka pa bumaba?”

 

Sinagot ko siya ng..”sucat po”

 

“magkano binayad mo?” ang balik na sabi ng driver.

 

“35 po” sagot ko.

 

"O siya..dito na lang ako."

 

…at bumaba ako.

 

Sa ulan.

 

Walang binalik na pamasahe.

 

Walang matinong dahilan.

 

 

 

Ganito kalupit ang buhay.

 

Minsan
kang nasadlak sa kababaran ng malamig ng ulan. Hinintay ang isang taong
makakapagpaahon sa iyo sa basa. At tiyak namang dumating. Natagalan nga
lang. pero dumating. Kinailangan mo pang makipagkumpitensiya para
lamang makasakay sa pagtingin ng taong yon. At nang makasakay ka na.
alam mong ikaw ang magtatagal.

 

Masaya. Naranasan mo lahat ng saya. Ikaw ang nasa unahan ng biyahe.

 

Pero
kahit pa sabihing matagal mo siyang hinintay at binayaran mo siya ng
sapat. Darating ang panahong ibababa at ibababa ka rin nya. At wala
siyang pakialam kung sa gitna ka pa niya ng kalye ibaba at matindi ang
buhos ng ulan.

 

Yan ang katotohanan ng buhay.

 

Hindi
ka nya bingyan ng sukli na nararapat para sa iyo. Dahil hindi ka naman
talaga nanghingi. Dahil ang iniisip mo, dadalhin ka niya kung san kayo
dapat lumagak. Ibinaba ka niya ng walang binabalik na kung anuman.

 

Mahirap ka na ring makasakay. Wala ka na ring maibibigay pa sa iba kung sakali mang makasakay ka.

 

Kala ko talaga yun na.

 

Kala ko bibyahe na ako sa kawalan at hindi na titigil pa ang andar ng mga gulong ng aking buhay-pag-ibig.

 

Nagkakamali ang tao.

 

At tao ako.

 

 

 

Tao
akong
mag-aabang muli. Maghihintay. Sisipat ng magdadala sakin sa dapat
kong patunguhan.
Aasa nanaman na muling maihahatid sa dapat paroonan.

 

At sa huli.

 

Mabibigo na namang sumaya.

 

Maliligo na naman sa bawat patak ng luhang ibubuhos ko at ng langit.

 

Hihiling na

sana


ang FX na inakalang maghahatid sa akin sa dulo ng walang hanggan ay
magkaroon muli ng matitinong pasahero. Sa kanya na lahat ng grasya.
Akin ang paghihirap.

 

 

 

Siguro. Sa ngayon. Maglalakad na lang ako.

Gaya


ng dati kong ginagawa. Maglalakad ako hanggang sa marating ko kung san
ko man gustong pumunta. Mag-isa. Hindi nga lang yun sa walang hanggan.
Pero naglalakad ako. Lolokohin ko ang sarili kong umuusad. Lolokohin ko
ang sarili kong sa aking paglalakad ay hindi ako umaasang may paparang
FX na muli ay pagtitiwalaan ko ng aking ibibigay na pamasahe, ng
ibibgay na pag-ibig. Pag-ibig na kahit walang sukli.
 

 

 

Marami
pang hakbang ang aking gagawin. At alam kong maraming FX pa ang dadaan
sakin. May hihinto sa tapat ko, may hihinto sa malayo at hahabulin ko.
Pwedeng dumaan ang dating FX na nagpababa sakin. Pwede niya akong
makitang naglalakad. Nakakahiya. Pero ito ang katotohanan ng buhay.
Maaaring di na niya ako datnan sa kung saan niya ako iniwan, pero alam
ko sa sarili kong
siya pa rin ang FX na hinihintay kong hihinto sa tabi
ko at isasakay ako. Kahit pa marami akong kaagaw.

 

 

 

At kung yun nga ang hinihintay ko…malamang..maglakad nga lang ako habangbuhay.

    

Bookmark and Share

don’t call me —–

April 24th, 2007 by jesteric-redd

you

and me

we had an opportunity

and we

could make it something really cool..

but you..

you think that i’m not the kind of boy
i’ll make you sorry baboy i know how to rock your world.

don;’t think that i’m not strong i’m the one to take you on don’t underestimate me boy i’ll make you sorry you were born.

you don’t know me..

the way you really should.

you sure misunderstood

don’t call me ———-

i belong to me so don’t call me…———–

Bookmark and Share

eND it nOW.

March 6th, 2007 by jesteric-redd

gO easy on my conscience
coz it’s not my fault…

i know i’Ve Been tAuGht to taKe the bLame…

reSt assuRed My aNgels…

woUld catch my Tears…

waLk Me out of Here…

i’M iN paIn.

i kNow i’ve alMost dOne everything.
to KeeP.
to rejuvenatE.
to resuRrECt.
to saVe.

ThaT night was a blast. That night of kuliglIg all over the place and the serEnIty of some pebbled SeatS and atmospeheric silence was so ironic. It was ironic for the fact that Two disturbed people are uttering words of promised honesty about an incident they never thought would bother them–iN rEalm of peaceful farm aNimal.

thee promised.
anD i Have thy words..

theE haVe mIne..

bUt yOur acTions sPeak mUCh lOuder than the capacIty of your vocal chords. i wanted to believe you…but I don’t. but.. i did. thaT’s why i’M taKing my time relieving what’s already distracted and reputting my attention to anything else– reputting. it mIght change me. it might cause some changes.. but i wouLD consider it as a quits pact. yOu said you won’t. but you definitely did. and i would not say sorry For tHat. i aLrEady gaVe you like mIllions of apoLogies i know i super owe thee.

yOu’ve asked me questions>>but i MUst thank God that lie detECtor Test was nOt avaILabLe aT that moment when you querry the last bOoM. or else… oR else.. i don’t Know if yOu kNow.. i really got nO iDea.. i rEAlly don’t.. maYbe..you kNow.. and i must have asked saInt JUde to let yoU confront me about anything so it would only be up to me to answer aND dIgest every siNgle syllaBle i will be eaTing.

for That nIght of Veritas…i am a violator.. aND this disTurbance is mY punIShment.

i’m in recovery.. and I kNoW I can Get well as soOn as I can.. some say it’s yOur lOSs.. not mine.. and yeah.. cLiche’ …i should Think That way now.. though i don’t mean it.. i CouLD stiLl waVe aNd perkily say my "hi" "HellOS".. BUT Definitely.. IT would be different..
saYAng.

maYbe someday.. you will be aBle to read this.. or you mIGht be reading This riGht nOw..  but suRely.. you doN’t KNoW who yOu are.. yOu don’t kNow me.. coz we’re not that close. as opposed to wHat you’re claiming. or so i claiM.

lyK hEll.

Bookmark and Share

COLD.laMIG.

February 24th, 2007 by jesteric-redd

Oh i rEally sHould haVe kNOwn

by the niGht when we goT hOme

bY the vaGueness in yOur eyEs..

yoUr casual gOodbYEs..

by yoUr chIll when i embRace..

THe expRessIon on yOur faCE..

tHey tell me…

maybe yOu mIght haVe…

sOme…

adVice to GIve…

oN hOw to Be…

INsensitiVe.

..i JUst tHoUght how irOnIc memOrIEs are.. The good Ones aRe paInfUl aNd sad tO rememBEr…

..i’m jUst hOpinG THaT.. what’s happenIng and the reason wHy i’m disturbed and unable to work properly is not the reason i thought it is.. my tarsals bleed for finger-crossing it too much that my bones cannot tolerate the pain of hoping…

..a friend who can view something from inside thoughts and the future, who’s also a twin brother of a huggable housemate commented on me when everyone’s jeering on love.. he said.. he won’t believe i don’t have one.. coz i do really have one..according to him.. but the truth is.. i really don’t.. so why would he say that??
it kept me thinking for a while.. what if.. what if.. what if… the one i want also wants me but still not ready to face the whole reality of vagueness?? i just keep on hoping that’s the case..

.. right now.. i want to talk to someone… but my iced-coffee-driven nervuous system won’t allow me to do that together with my preky mind.. that’s why im resorting to telling and talking to other people whom i thought also know my quote/unquote problem.. they won’t help.. but i can.. the only one who can.. i guess..

..i owe someone an apology.. i guess.. i got too driven by the regality of alcohol and the kick of that razzmatazz neghing creature in a sexy bottle… i was completely under the spell of that bitter liquid.. yet i know what i was doing at that time..it’s just that control is not of my control and neither of our group..nor yours.. that reddest open-and-close part of your face attracts this long, tasting-pawn of mine in a consequence i was stuck… we did it quickly.. but i heard the seconds tick in my thoughts slowly as the heartbeat of yours echoed in mine… i heard it.. it’s clearly damn loud.. yet you just gave an OMG and laugh as if nothing was felt and nothing happend and nothing is….uhm..nothing..

..sOmeone saw.. the shared cotton and clothe is not anymore a secret of us two.. the catch is.. it has never even been a secret.. coz we too don’t even know it.. we just don’t know that it did happen.. i don’t even know if you know.. but i do that it did.. coz someone saw.. and someone told me.. and as she described it… both of their eyes met and in pure question when they saw the shared cotton.. the gemini pose of ours with my left limb as connector is a great view..for someone who can understand and can comprehend.. and who can accept.. the thing is.. you can’t.. i can.. but you can’t.. and so as anybody else..that’s why you can’t..

..along the zigs and zags of the airconditioned realm of that plaCe as we waved our hands to byes… the heat of the engine at the tail of the drive is not enough for me to feel the coldness of thy expression… our eyes took its chorus work of considering the darkness but the blutooth of my retina won’t reach yours.. i was barged by the settings of your opticals.. i sweat 35 pails but thy cover is tripled.. thee treat my palms as the indicator of an alarm for thy eyes and whole corpus to perked up and be resurected from dreaming.. as if i got a current running through my palms that you don’t want to get connected with.. gooD thing it’s effin hot.. and i sweat a Lot..or elSe.. the liquids could have seen an opening in my eyes..

..if tHose were thy reasons… if thee were harrassed..  i owe you an apology.. and i just keep on thinking how to deliver it in a way that could capture your optical signals without barging my sight… in a way that could make your tonsils speak of veritas which should be tantamount to the possitivity on my side.. and both of us could agree on three words..which by the way is an overused term last 14.

..HOpe.

..distURBANce.

..insenSITIve.

..cOLdS.

..laMIG.

Bookmark and Share

A C E Hardware

January 1st, 2007 by jesteric-redd

Acerand

Ace (noun)= friend, chubiresa, ake, aiyce(mam lali ver.), aciang.
>"hey, Chubiresa texted me, she said..go go go fRiend! +D"

    (verb)= jump, laugh, laugh, ummhh…laugh.
>"ok class, what we will do today in your P.E. is to Ace and Ace ok?"

    (adjective)= chubby, bubbly, pyschedelic, pitchy
>"OMG! the glasses broke! your voice is Acey!"

   (interjection)= waaahh!
>"Oh mY gOsH!!!! fIre! fiRe! ACEE!!!"

Ganap na ganap na babae na talaga s’ya.. pero ang catch.. hindi pa sya ganap na tao.. nag grow up naman sya actually.. ummhh.. GRRROOWW UUPPP! as in.. marami na rin naman syang pinagbago since ginulo nya ang buhay ng mga tao sa UPLB.. marami-rami din naman…

1. nung una ko syang makita ay nakaupo sya sa likod ng pinto sa may SOAD… ngayon, hindi na ata sya umuupo… nahihiga na lang..

2. dati.. ang suot nya ay bohemian…
ngayon.. makikitaan mo na sya ng leggings na napamura na sya sa halagang 600 pesos ata.. kasama ng mlalaki nyang damit at mga accessories na iisipin mong gamit sa bahay.. mahahalata mo rin na minsan nakakapagtakang may suot syang gown.. pero hindi po ito gown..lilinawin ko lang.. skirt po ito.. pero ginawa nyang tube..

3. dati.. nakapants sya at skirt.. pero ngayon.. bighla mo na lang sya makakasalubong na nakapikit na naglalakad at naka Shorts ni kwini..

4. mahilig sya dati sa mga pastel colors…
ngayon.. ummhhh.. more pastel at more bright colors..

5. sabi nya sakin dati nun.. parang ayaw nyang mag org sa devcom.. pinayuhan ko syang may shortage of members sa forestry at magtry na lang sya dun.. pero ngayon.. ganap na syang ADS!

6. hobby nya dati na maglagay ng mga pambatang letter puzzle sa dorm namin sa reboja… pero ngayon.. mapagpinta na sya at talaga namang painter na sya kasama si pot pot..

7. si ate con ay nagbbible study sakanya… textmates pa..
si mam lali na ngayon..

8. dati.. si mam dumagco at mr. reboja ang mga dorm managers namin na lihim naming pinagtatawanan at nililibak habang alam naming tulog na sila..
ngayon… TARGET:ABNOY

9. dati..mapangsabi sya ng mabuhay! wahahahaha! hekhekhek..
ngayon… HOhOhoHO! at GogOgO na.. mInsan ibahin lang natin ang peborit nating vowel..

10. Tipo nyang boylet dati ang mga naglalagay ng itim sa mata, distorted ang ilong, o mga tricycle driver.. ngayon.. nag mature na sya at mahihiligin na sya sa mga kalbo, at madudumihin ang itsura at alam mong walang gaagwing mabuti sa buhay..

11. kasya sya dati sa loob ng ref…
ngayon.. kasya na kami sa loob nya..

12. dati ay hindi mo aakalain na pawang buhok pala ang nakalagay sa ulo nya at mapapayuhan mo syang magdonate nalamang sa mga nangangailangan dahil may shortage ng alambre sa mga hardwares..
ngayon… mejo tumuwid ito at wavy na lang..
you wont imagine dati.. you wont and dont want to imagine…

13. hindi sya dati makalabas ng rum dahil namumugto mata nya sa iniyakan nyang math11 kasama ang musikerang bukidnoñeñang si dyui-dui..
naGyon ay wala pa syang binabagsak na subject..improving na sya…
bago na ang marka nya… DS= delinquent student

14. may niregalo sya dati sa aking astronot na nilalagyan ng picture sa mukha na lubha kong kinagalak..
ngayon naman ay binalak nya akong bigyan ng sapatos ng astronot..
nagiging espesipiko na syang mag-isip ngayon.. improving improving..

[para sa mga susunod na mga bilang ay ilalahad naman ang mga nunal na hindi na matanggal sa kanya]

15. mahjongera pa rin ang kanyang mudra at mahilig pa rin magka near death experience ang kanyang lolo at madididsgrasyahin pa rin ang kanyang mga kapatid… sa twing merong gagawin ng weekends at may marathon na naman ng memories of bali.

16. pala talon pa rin sya at minsan ay mapagmadaliin at bigla na lang nawawala. imaginin na lang kung gaano sya kabilog at biglang nawawala..

17. pinambabalot pa rin nya ng regalo ang apple green na ribbon na isang rolyo ang binili nya dati na hindi maubos-ubos simula pa nung uso pa ang spraynet kahit na ginamit na namin ito sa tatlumpu’t pitong regalo, pinag decorate sa kwarto, ginawang strap ng bra, ginawang kurtina, at itinali sa mga libro kunwari bag./

18. andun pa rin ang gulat factor pag makikita mo sya sa gabi o kahit sa umaga na parang limang barangay ng hantik ang kumagat sa labi nya’t nagdudumugo sa pula ito at gustung-gusto mo sya tanungin kung bakit.. at kung bakit… at why..

19. hindi pa rin nagbago ang mga tipo nyang panoorin.. mula sa lubha nyang kinagiliwang princess lulu, memories of bali, my girl at lahat ng pwede ng mapanood na series na kakailanganin mo munang i-pause pag may mahabang sinabi ang bida at mahaba rin ang translation sa subtiles at napakabilis nya lang to sinabi.. pwes.. bihasa na sya dun.. bihasa na ang mata nya sa mga ganung paligsahan.. natapos na nga nya ang greys anatomy, princess hours at…ummhh.. anu na nga ba yun friend??

20. si ace…
ay..
si ace..
wlang pinagbago..
ganun pa rin sya.. kung pano ko sya nakilala..
ganun parin sya mula sa pagkikita nmin sa likod ng pinto ng osa habang nagmimiting ang mga tinaguriang batch reps (na inaasahang magiging magigiting na estujante…) ….[na kinabigo ni vernon D at ng buong SOAD.]
ganun pa rin sya tumawa and it never fails to be contagious sa kin.. sa mga friends ko.. at kay papa god.. i know sobrang lumuluhod din sa katatawa si papa god sayo..
ganun pa rin sya.. paladasal at ummhh.. inaasa kay papa god ang buhay.. rosary… st therese.. ummhh.. NAVS?
ganun pa rin sya..kumain??
ganun pa rin sya lumakad, magsalita, at magkwento na hindi mo na gustong matapos pa ang araw at wag nang umalis sa pwesto nya si MR. moon para gabi lagi at gising kaming magkkwentuhan..
basta.. ganun pa rin sya..
beinte na sya…
dalawampung taon na nyanG ginugulo ang earth at alam kong sya ang dahilan ng tsunami sa thailand at sa pag galaw ng tectonic plates.. umamin ka na..
pero i just cant imagine earth without you… it might be as boring as a plain island without any movements, waves, earthquakes, winds… just plain…
yOu are our saVIor.. thanks for being here on earth, you marsian!:)
*wink*
oI ikaw piNaka peborit koNg taO..sUnod kaY tIna paNer…
hapi hapi 20tH biRtHdaY!:))

—RandOi

Bookmark and Share

FriEd friends

December 31st, 2006 by jesteric-redd

Shades

iM afraid i lost a friend just today..
i jUSt don’t kNow why.. as of this time.. I’m afraId to Lose anoTher

oNe.. oR iM jUst paranoid..

sa taGal kO na sa UPLB, ilang simcard na rin ang nagpalit-palitan ko..

sa tuwing may play akong lalabas..bida man ako or dalawang minuto lang

ang pag appear ko na 2 minutes-of-hayok-sa-fame kung tawagin.. ay dun

may pinaka maraming text akong natatanggap.. pinaka maraming missed

callss.. ewan ko.. i Just don’t know kung pano nila nalalaman number

ko.. i mean hindi ko naman sila tinatabaoy or anything pero nakakagulat

lang.. andami din frindster adds.. i know xe na somehow, hindi naman

ako artista at hindi naman ako sikat para mafeel yun.. alam ko na

nadadadala lang yung nanonood sa napanood nila kaya ganun..
tipong

"oo nga..msarap siguro itext natin yung bida dun.."
o kaya’y
" sheT! onga..hingin natin yung number nya.."
minsan naman..
"sikat tayo pag may number tayo nyan or friend natin sa friendster.."

hindi to panghuhusga o anupaman.. pero reality check lang to… at

reality bites na din.. ganoon naman talaga.. syempre i must admit na

masarap yung feeling.. masaya.. parang.. feeling sikat.. pero sabihin

man ng ibang tao na hindi.. alam ko pa rin sa sarili ko ang katotohanan

at ang realidad… hindi ako umaapak sa hanging gawa lang ng teatro..or

ng kasikatan.. ni hindi ko nga iniisip na sikat ako..dahil hindi naman

talaga..alam ko sa sarili ko na pagkatapos mabura ng make up sa

backstage.. pagkatapos maubos ng mineral water sa show.. pagkatapos

kong makalimutan ang mga linyang antagal kong kinabisado.. bababa at

bababa pa rin ako sa stage at sa lupa pa rin ako tatapak pagkatpos..

bilang tao.. hindi bilang karakter na sinaniban ng pag-arte..

sa mga nakikipagkaibigan sa akin..wala namang masama.. tinatanggap ko

din naman.. wla akong tinatanggihan.. dati.. nung mga una.. msayang

masaya lagi ako.. feeling ko nga may fans ako.. super friendly to death

ako.. tipong..
"yup kUmain npo..IkaW?
"2log nako"
"uy kain NA"
"anu gawa mu?"
"yey.."
":))"

alam ko kase ang feeling an nakakatext mo ang isang taong hinahaangaan

mo in some way or another..iba..basta iba..
kaya i dont want them to feel rejected or anything offensive..

pero… sa mga experiences ko sa mga ganyan.. seems like they are the

one who are losing the grip of the friendship they started.. seems like

nakakabored ako.. basta.. ako naman ang nakakaramdam ng rejection..

though i really dont take it seriously,.. but it’s hard for me not to

mind this coz im sincere with the friendship..
parang pag nakikilala na nila ako.. sa text sa friendter.. sa pagkausap

sakin.. nawawala na yung magic of "waaaHH..si RaannDD!"
o kaya.. "yikee si Randd"
or "raaanndd"
im not saying na it should always be in that climax pero yung sudden

denouement disturbs me..
bassta. laging ganun.. kabisado ko na ang mga phases nyan..
una.. excited na excited kang mkilala..
gusto kang ma meet sa personal..
tapos makikipag super friends sa text..
text lang nga text..
tapos..slowly.. ayun..
la na..

kaya pag may ngttxt saken.. ganun pa rin ako.. pero i wud want to tell

them na..are you sure of what yer doing o nadadala ka lang ng something

sayo?? minsan pag gusto ko talaga i-friend.. ‘oy.. promise mo friends

lagi tayo ahh’ parang lagi akong nanghihingi ng assurance of a friend..

nyex..you would never thought this thoughts would come from me ryt?

pero ganun talaga e.. constant fRiend is really hard to find..

saNa before ako mag-artista makilala ko na yung mga

Friends-forever-factor ko..para naman hindi ko na kailangan pa

malinlang ng kunwa-kunwariang fans..or texters.. or stalkers.. mahirap

na.. iba ang buHay sa showbiz..hahahaha..:))

Bookmark and Share

URONG LABabo! abante ako!

December 29th, 2006 by jesteric-redd

Inom May bago pala akong hobby ngayon. ayoko s’ya dati gawin..but no..

ngayon halos araw araw..2 times a day pah!
simple lang naman din s’ya gawin e..minsan nga hbang ginagawa ko s’ya

kunwari eto na ang demo speech ko sa spcm104… but no.. hindi ko sya

pwede gawin..malamang.wala namang lababo sa klasrum..di ko sya magagawa

ng mas maganda..kaya binasura ko na lang yung thought kasama ng mga

kaning baboy na inipon ko…

ayun na nga.. ang tawag ko sa kanya..
"paghuhugas ng plato.."
pag sosyalin ako at kaharap ang mga friends ng nanay ko…
"dish washing"
pag naman mga banga kong kapit bahay ang kaharap ko..
"urong"
pag nanay ko..
"hugas"
at pag ako lang..
"punyeta"

tangna naman o..nakakasawa din naman e..
pagkatapos mo nalang kumain sa araw araw na ginawa ng Dyos at sa bawat

tanghalian, meryenda at hapunan na inimbento ni Papa God, gripo na lang

lagi kong kausap pagkatapos dumighay. potek naamn o..

maraming kwentong hugas.. may nagsasabing pagka huli kang matapos

kumain..ikaw ang maghuhugas..
binalak ko na dati na bilisan ang pagkain ko kahit na alam kong

bendehado ang sinandok kong kanin at masarap ata ang ulam kong tatlong

kutsarang patis na ata ang natataktak ko. nauna ako.. naunahan ko

mommy.. naunahan ko si kuya.. pati ang aking nkababatang kapatid..

mabuti naman.. habang papanik na ko ng bahay upang lumongga ay

sinitsitan ako ng nanay ko..at alam ko na ang kasunod nun. hindi pala

totoo ang mga kwento-kwento. ang tanga ko naman kaya nga kwwento-kwento

ang tawag dun e… imbento imbento lang..

may mga iba pang kwento..
may di makakapag-asawa version..
may yayaman factor..
may suswertehin sa buhay something…

pero ayoko ng maniwala at i-elaborate pa dahil..

sa huli’t huli.. pagkatapos kong kumain..
di pa man ako nakakadighay..alam ko
dandandandan!
tatayo na’ko sa trono ko at wiwisikan ng tubig ang lahat ng kinainan.

mga steps..
1. ipunin lahat sa lababo ang lahat na mga pinagkainan ng pamilya..
kung may topak ka..isama mo na rin pati mga malilinis nyong plato..
o kaya’y sa kapitbahay..

2. gamit ang kutsara ay ilagay sa isang plato or mangkok na madumi ang

lahat ng sobrang pagkain, karne, at kahit na anong sa tingin mo ay

hindi parte ng hugas factor at magiging dahilan ng pagiging swimming

pool ng lababo dahil sa nakabarang karne sa daluyan nito.
3. tanggalin din ang takip ng sink para mas mabilis ang daloy ng tubig

at hindi mag koclog ang dumi..
4. pagkatapos matanggal lahat ng boulders of ‘mumu’ ay basain ang

plato, kutsara, mangkok at lahat ng huhugasan sa gripo. siguraduhing

tanggal lahat ng sarsa effect at kahit anumang machever sa mga plato at

kutsara. mahirap nang maghugas ng may mga kung anik anik pang dumi sa

plato or kutsara..didikit lang to sa sponge na gagamitin mo at

nakakadiri iyon.. kaya gamit ang kamay ay hilurin na agad ang mga plato

at kutsara..
5. para sa mga naipong ‘mumu’ iyon ay tatawaging ‘kanimbaboy’ or kung

hindi man ay..’ kaning-aso’ or ‘kanimpusa’ or kung kahit anu pa man ang

lalafang dito.. kung gorilla yun edi ‘kaningorilla’ basta ganun..

itapon ito sa kinalalagyan ng pagkain ng alaga sa kapit bahay.

magchinelas kayo dahil muli kayong tatapak sa kusina..
6. umpisahan nang ilapat ang sponge sa dishwashing liquid or sa

dishwashing paste or sa sabong panlanbang sumobra sa nilabhan ng

labandera nyong may asawang nag-aadik sa kanto.
7. basain ng konti ang sponge. teknik ito para magmukang marami sa bula

ang panlinis. pag mas mabula..mas malinis.. tangang pag-iisip yon pero

hayaan nyo na.. dun nyo masusukat kung ang sabong panlaba nyo ba ay

puro chalk lang o kung gumagana ba yung mga kulay blue na batik batik

na sinasabi ni mel tiangco sa tv..
8. ipunas sa lahat ng huhugasan ang sponge..
9. mas magandang unahin ang mga malalaking bagay hanggang sa

pinakamailiit.. wala lang..para kunwari may sistema… magandang unahin

ang mga tray,pitchel, timba, ref..umhh..bakit ka naman maghuhugas ng

ref? basta mga malalake.. tapos.. plato, pinggan..umhh isa lang yun…

tapos mangkok.. tapos mga baso.. sa isa sa mga hinugasang baso,dun

ilagay ang mga nahugasan na ring mga kutsara para hindi sila sabog

sabog.
10. kilatisin maigi kung madumi ba ang lababo o feeling mo naman ay

labing anim na uod pa ang kailangang pumirma para masabing germful

ito… dahil kung feeling mo madumi ay.. wag dun ipatong or ilagay ang

mga nasabunan ng hugasin..kundi ay sa gilid sa malinis na part..basta

alam nyo na kung san yon..bsta wag sa loob ng lababo..sa labas..
11. isa-isahing banlawan ang mga masabong plato.. this time..unahin ang

maliliit..for fun lang.. pakiramdaman mabuti ang pagbanlaw.. pag sa

paghilod nyo ay may nararamdaman pa kayong madulas, masebo, o

mamantika.. ulitin ang pagsasabon hanggang sa mawala ang dulas..
12. ready kana ngayong ilagay sa mga lalagyan ang mga nahugasan..
13. wag nang punasan pa para matuyo..dagdag trabaho pa yun baka mahuli

ka pa sa ‘maging sino ka man’ at maligtaan mo pa ang mahalay na episode

nto..
14. kunin ang basahang basa at punasan ang lamesa na pinagkainan..pati

ang labas ng lababo na pinagpatungan ng mga nahugasang hugasin..pati na

rin ang sink.. lakasan ang daloy ng tubig sa gripo para sabay na

gumulong papunta sa butas ng tubig ang mga tira-tirang ‘mumu’ sa

lababo..
15. walisin ang buong kusina para hindi kayo ipisin..
16. lampasuhin ng basahan ang sahig para hindi kayo gumising

kinabukasan na may barangay na ng langgam ang naninirahan sa sahig nyo.
17. kumaripas ng takbo at maghugas ng kamay habang nagsasabing..
‘eeww kadiri talaga..eew’.. magsabon.

18. kumain ng saging pagkatapos..nakaligtaan mo yan kanina pagkakain

dahil paghuhugas na ang nasa isip mo..at dahil na rin nagmamadali ka

kasi malapit nang matapos ang super inggo at ‘maging sino ka man na’
19. magisip
20. maglaslas

[habang ginagawa ang mga ito ay maaari kayong kumanta, sumayaw, or

magpractice ng mga linya sa pelikula... wag lang ang magrosaryo dahil

baka maging santo na kayo ay hindi pa kayo tapos sa paghuhugas..
masaya din naman talagang mag akting aktingan habang naghuhugas..

subukan ang mga "irma adlawan" style na kunwari ay bisimbisi kayo sa

paghuhugas.. habang tumutulo ang gripo ay dadating ang anak nyo.. gabi

na yon kaya kumnawri'y pagagalitan nyo sya..
"san ka nanggaling.."
"sagutin moko wag kang bastos..!"
"maghintay ka hangga't makatapos ako dito ng paghuhugas at malilintekan

ka sa aki bata ka!"
"bumalik ka dito! san ka pa natuto ng mga ganyang asal mo ah...?!"
*lahat ng linya ay bibigkasin habang ginagawa ang mga steps sa

paghuhugas..*
yan ay mga payo lang na gawin..kayo na ang bahala sa hilig nyo.. pero

pls.. wag mag cheerdance..mag archery.. or mag painting habang

naghuhugas.. unless sintu-sinto kayo at kulang sa turok..]

yun lang naman ang mga easy steps sa paghuhugas ng plato.. sana ay

nabigyang linaw ko kayo sa mga bagay-bagay.. at maingganyo na ring

gawin ang pinakamalaking parusa para sa mga kamay na tatlong kulubot na

lang ay pwede nang ihambing sa kamay ng matanda.. at least hindi

gagaspang ang kamay nyo dahil laging nakababad sa tubig.. maatanggal pa

mga kalyo nyo kasabay ng mga ‘mumu’ sa pag is-is sa dumi..
marami syang benefits…kaya nga punyeta tawag ko e..
tara kaibigan..hugas tayo.

Bookmark and Share

Intimate intimidation

December 28th, 2006 by jesteric-redd

KaninaNg umaga laNg.. may kaText ako haBang nakaPikit. alaM ko malabong

maNgyari yun kaso ganoon na ako ka-hardcore sa pagtetext. marami kasi

si katext na tinext sakin mula pa kaninang 5:04 am. chineck ko kse kung

kelan sya nagising at nagtetetext sa akin. ang aga ah in fernez.. pero

mga dalawang oras pa bago sya nagtext…ay gising pa ako at perking

perking nagpapalit ng mga pix sa friendster at myspace..hahahaha..:)

since hindi pa ako namululat masyado, inaaninag ko lang ang kahit

anong mabasa ko. may tinext pala ako sa kanya at tinatanong ko kung

bakit pag kasama ko sya hindi nya ako kinakausap lyk hell or kahit lyk

friends lang..unlike pag magkausap kami sa text. nyek! diba? anlabo ng

ganun?? at ang mga sumunod na reply na nya ang naging alarm clock ko at

napabangon na lang ako sa higaan. aba! mas malakas pa pala ang kamandag

nito kesa sa katok sa pinto ni mami or sigaw ni czarina ang aking

kapatid pag gusto na nila akong gisingin. pano ba naman.. ang

nakalagay.

dandandandannnn!…

"ksi INTIMIDATING ka e.. yun bang aura mo..yung ganun ba.."

*pause*

*patlang*

*hinga*

pumikit ulit ako.. nagpahinga ng mga limang segundo..syet napagod ako

dun ah.. teka baka joke tym lang.. at iniscroll ko pababa only to find

out na.. sya ang sender at sinend nya ito ng ganitong oras..blah blah

at blah blah…

wala akong nabasang..

"JOKE"

"joke joke joke.."

o kahit …

"char"

so meaning..umhh.. seryoso nga sya at yun ang gusto nyang sabihin sa

akin..

umhh.. fyn..

sOrry for the violent reaction ha..
i just never thought that someone would actually feel intimidated with

my actions. i cant see myself while im dealing with other people but i

am oh-so-sure that i hate making other people feel OP or horrible

because i am such a bitch.. i dont know but in my standards..ive been

as friendly to other people i know or i havent met, or even those who

are no even living and existing , as possible.. kasi nga.. i dont want

them to feel awkward with me.. coz i know the feeling.. haaaayy..

pero that’s how mr. textmate perceive me.. what can i do diba..

whenever i enter the room of our class in Biosci third floor after some

moments of short-breath because of that fuckin stairs.. im still as

cheerful as normal though im thirty minutes late… of course im not a

snob.. im texting you while in class though you’re just 2 rows farther

that where i sit.

after class, though my batchmate slash friend slash superclassmate

slash seatmate would eventually leave, i’ll still wait for you and your

buddy slash not-a-close-friend slash seatmate slash skulmate outside

the room so we could have personal encounter aside from texts..

i’ve invited you to attend the simbang gabi in st therese chapel

hoping that you would eventually hold the fences out. you agreed. we attended the mass. but still i feel

like i just forced you to atted the mass and i am very very very sorry

for that. you wont even give a damn comment on anything. ahh..fyn.. you

did.. ummhh.. ONE-LINERS?? ok.. TWO_LINERS?? "haha" "hehe" "onga" and

all of the sorts.

dont misinterpret me.. im not mad or something.. im just stating my

observations..

look. Im really not doing this because i have some hidden intentions to

you boi.. but i guess it’s just normal for me to do that. that’s my

normal. it just so happens that i thought that we’re close and we’re friends

and everything i am doing is just part of the friendship i thought we

have… but then again.. yes.. as you said sa text, we are friends.. we got the friendship..

we’re close

yun nga lang…..

………….via TEXT

well then… textback

*tulog ulet*

Bookmark and Share